'Inspeksiyon sa mga paaralan simulan na!'
MANILA, Philippines - Pinakikilos na ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang lahat ng local executives sa bansa na magsagawa ng inspection sa mga paaralang nasasakupan para masiguro na ang mga pasilidad nito ay maayos sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 6 ng taon.
Ipinalabas ni Robredo ang direktiba bilang suporta sa ‘Oplan Balik Eskwela’ (OBE) na proyekto ng Department of Education at iba pang ahensya ng pamahalaan para maging maganda ang takbo ng klase sa lahat ng mga paaralan sa pagsisimula nito.
Inaasahang may 20 milyong estudyante ang papasok sa may 38,351 pampublikong paaralan ng elementarya at 7,274 naman sa secondary schools sa buong bansa.
Sa kanyang direktiba sa provincial governors, city at municipal mayors at punong barangays, pinamomonitor din ni Robredo sa mga ito ang presyo ng school supplies at gumawa ng hakbang para matugunan ang pagtaas nito.
Pinadadagdagan din ng kalihim sa local executives ng puwersa na maaring tumulong sa PNP sa peace and order at public safety.
- Latest
- Trending