^

Bansa

Pagkain, seasoning mula Taiwan binabantayan

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Minomonitor ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga pagkain at iba pang seasoning na galing Taiwan matapos na impormahan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang pamahalaan na ang mga pagkain at additives na galing dito ay posibleng kontaminado ng Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP).

Ayon kay FDA Director Suzette H. Lazo, M.D. masusi ang kanilang ginagawang pagsisiyasat dahil ang naturang kemikal ay ginagamit sa paggawa ng intravenous bags, tubings, blood bags at infusion tu­bings at nasogastric tubes.

Sinasabing ang DEHP ay illegal na hinahalo upang umalsa ang pagkain.

Nabatid na posibleng magkaroon ng problema sa fertility, pagkalason ng kidney at testicular effects ang sinumang bata na makakain ng mataas na antas ng nasabing kemikal sa pagkain.

Kamakailan ay inimpor­mahan ng Taiwan government  ang Department of Health na isang kompanya ang nag-iimport ng mga food products na naglalaman ng DEHP. 

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR SUZETTE H

DRUGS ADMINISTRATION

KAMAKAILAN

LAZO

MINOMONITOR

NABATID

TAIPEI ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with