^

Bansa

QC government, DOH, DENR kapit bisig kontra dengue

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Nagkapit-bisig ang QC government, Department of Health at Department of Environment and Natural Resources sa paglu­lunsad kahapon ng isang comprehensive collective approach para sama-samang puksain ang sakit na dengue sa lunsod.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na sa ngayon ay pinatindi na nila ang kampanya laban sa dengue dahil lahat ng tanggapan ng QC hall ay magkakasamang gumagawa ng mga programa at hakbang para maiwasan ang sakit na dengue sa lunsod kasama ang DENR at DOH.

“Ngayon, di na puwede na ang QC hall ay may sariling kampanya sa dengue  at may sarili ding kampanya sa dengue ang DOH at DENR, this time magkakasabay at sama sama na kaming kikilos para labanan ang dengue sa QC,” pahayag ni Bautista.

Sa kanyang panig, sinabi ni DOH epidemiologist Dr.Eric Tayag na hindi lamang ang sakit sa dengue ang pagsasamahan nila sa kampanyang ito kundi ang ibang sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng leptospirosis at iba pa.

Pinasalamatan din ni Tayag ang QC govt dahil hindi ito umasa sa pondo ng DOH para sa mga programang pangkalusugan dahil may sarili silang pondo rito dahilan naman para mailaan sa ibang LGUs ang natipid na pondo na laan sana sa QC.

BAUTISTA

DENGUE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NAGKAPIT

NGAYON

PARA

PINASALAMATAN

TAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with