BuCor may bagong hepe

Manila, Philippines - Itinalaga ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III si Manuel Co bilang pansamantalang papalit sa posisyon ni Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno na kasalukuyang naka-on leave matapos ang  kontrobersiya sa paglabas-masok ni da­ting Batangas Gov. Antonio Leviste.

Ayon kay Baraan, maganda ang background ni Co na kasalukuyang administrator ng Parole and Probation Administration, sa paghawak ng tungkulin kaya naniniwala siyang magiging maayos ang pamamalakad nito.

Magugunitang unang ipinalit ni Diokno sa kanyang tungkulin si BuCor Deputy Director Teodora Diaz, ngunit hindi naman sinang-ayunan ng DoJ.

Una nang inamin ni Justice Secretary Leila de Lima na nais niyang maging permanenteng pinuno ng BuCor ang isang outsider para maiwasan ang fami­liarization sa loob ng NBP.

Show comments