'Eye sore' sa Roxas Blvd. pinawawalis ni PNoy

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Pangulong Aquino si MMDA Chairman Francis Tolentino na linisin ang mga ‘eye sore’ sa kahabaan ng Roxas blvd. partikular sa may Baclaran, Parañaque City.

Nakita ni Pangulong Aquino kahapon habang patungo sa NAIA terminal 2 para sa kanyang pagbisita sa Thailand ang mga squatters sa may Roxas blvd., Baclaran.

Ayon kay PNoy, dapat linisin ang mga ‘eye sore’ na ito dahil hindi magandang tignan na may squatters mismo sa isang highway.

Nagtungo kahapon ang Pangulo sa Thailand para sa kanyang 2-day state visit sa paanyaya ni Prime Minister Abhisit Vejjajiva na ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ay P4.5 milyon lamang ang gagastusin ng 52-man delegation nito.

Umalis ang Pangulo bandang 10:30 ng umaga sakay ng PAL flight patungong Bangkok at inaasahang uuwi din ngayong gabi. (Rudy Andal/Butch Quejada)

Show comments