2 Pinay patay sa buhawi sa US!
MANILA, Philippines - Dalawang Pinay ang kabilang sa may 123 patay na naitala sa pananalasa at pagbayo ng buhawi sa Estados Unidos.
Ayon sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs kahapon, kinilala ang mga nasawing sina Grace Aquino at Esterlita Moore, pawang sa Missouri.
Umabot naman sa 15 hanggang 20 minuto bago naalis ng mga rescuers ang mga nawasak na parte at debris ng simbahan at dito natagpuan si Grace na yakap-yakap ang anak na si Jacob at himalang nabuhay ang bata na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Bukod sa Missouri, dinaanan at hinagupit din ng buhawi ang Oklahoma at Kansas na may anim katao ang namatay habang 60 ang sugatan.
Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa nasabing mga estado upang mabatid kung may mga Pinoy pang naapektuhan sa tornado o ipu-ipo na pinakamatinding tumama sa kasaysayan ng US simula noong 1947.
- Latest
- Trending