Walang fuel subsidy sa magsasaka, mangingisda

JALA-JALA, Rizal, Philippines  - Tinabla ni Pangulong Aquino ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda tulad ng ipinagkaloob na subsidy sa mga pampasaherong jeep at tricycle.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa ambush interview matapos nitong pangunahan ang Lake seeding sa Laguna de Bay sa Malaking Pulo, barangay Punta ng bayang ito, sa halip na fuel subsidy ay inirekomenda ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na pagkalooban na lamang ng food for work subsidy ang mga magsasaka at mangingisda kapalit ng pagtatanim nila ng ‘bakawan’ (mangrove).

Nanawagan din Pangulo sa mga residente, mangi­ngisda at lokal na opisyal na nakapaligid sa Lawa ng Laguna na bantayan nila ito at pangalagaan dahil dito nagmumula ang kanilang kabuhayan.

Aniya, hindi siya mangingiming magpalabas ng maraming executive orders upang maprotektahan lamang ang Laguna de Bay.

Show comments