^

Bansa

LTO-DOTC dapat nang bayaran ang utang sa Stradcom

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni Rep. Rogelio Mercado si Pangulong Benigno Aquino III para ayusin at bayaran na ng Land Transportation Office (LTO) ang IT pro­vider nito para maresolba ang kaguluhan sa pagitan ng LTO at Stradcom Corporation upang maiwa­san ang kaguluhan sa kasalukuyang sistema ng nasabing ahensiya ng gob­yerno.

Sinabi ni House Committee on Transportation and Communications chairman Rep. Mercado, kaila­ngang obligahin ng pamahalaan ang DOTC at LTO na bayaran ang utang nila sa Stradcom.

Sa kanyang inilabas na committee report, magkakaroon ng mas matin­ding problema oras na tu­migil ang Stradcom sa operasyon­ nito sa LTO dahil hanggang ngayon ay hindi pa binabayaran ang P1 billion na utang ng una.

Malaki ang posibili­dad na magkaroon ng tunay na kaguluhan sa kasalukuyang sistema ng LTO sa sandaling tumigil ang operasyon ng Stradcom dahil sa patuloy na pagkabigo ng ahensya na bayaran ang pagka­kautang.

Hindi naniniwala si Mercado na kaya ng LTO ang mag-manual operas­yon dahil duda ito na wa­­lang mga kagamitang na­ka­ handa ang nasa­bing ahensiya oras na huminto ang Stradcom sa kanilang operasyon.   

vuukle comment

AQUINO

HOUSE COMM

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MERCADO

PANGULONG BENIGNO

SHY

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with