Accuracy ng PCOS machines napatunayan sa panalo ni Lim
MANILA, Philippines - Napatunayan ang accuracy ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na ginamit sa nakaraang unang national automated elections nang magtugma ang resulta sa ginawang manual recount sa boto nina Manila Mayor Alfredo Lim at Lito Atienza, kung saan nilampaso ng una ang gusto sanang makabalik na dating alkalde.
Si Atienza ay humiling ng recount sa Comelec sa pag-aakalang siya’y dinaya dahil sa napakalaking lamang ni Lim laban sa kanya gayung siya’y sinuportahan ng Iglesia Ni Cristo.
Ayon sa chief of staff ni Lim na si Ricardo de Guzman, sa manual tally na ginawa ng Comelec sa 200 polling precincts sa Maynila ay tumugma sa resulta na lumabas sa PCOS machines sa automated counting ng mga boto. Sinabi pa ni de Guzman na ang resultang ito sa manual recount ay matinding pinabulaanan ang mga alegasyon ni Atienza na siya’y dinaya diumano ni Lim sa kauna-unahang computerized elections noong Mayo 2010.
“Ang kaso ng protesta ni Atienza laban kay Lim ay dapat maging ‘test case’ ng iba pang electoral protests na kung saan ang ginamit sa pagbibilang ng boto ay ang PCOS machines, na sinuplay ng Smartmatic-Total Information Management Corp., ang private partner ng Comelec sa pagpapatupad ng Automated Election System (AES).
- Latest
- Trending