^

Bansa

RII Builders ibinuking na supplier ng uling

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nakatakdang im­bes­­tigahan ng City Coun­cil­ ng Manila ang posibi­lidad na may pang-aabuso at pagkakaroon ng ilang paglabag ng Harbour Center Port Terminal Inc. (HCPTI)  ng kanilang Environmental Clearance Certificate (ECC) kasunod ang pag-amin na sangkot sila sa panga­ngasiwa at pag-iimbak ng uling para mag-supply ng kuryente sa ibat ibang energy companies sa bansa.

Ibinunyag ni Councilor Joel Chua, Adhoc Committe Chairman sa pagdinig na ang  R-II Builders’ HCPTI ay uma­ming bukod sa mga car­goes ng semento ng kom­panya ay nagsu-supply rin sila ng uling sa Rocky Energy International, Encoal Corporation, SCG Trading­, Noble Energy, Jet Power at VT Primetech.

Paliwanag pa ng Manila Dad na malinaw na nakasaad sa ECC na ang HCPTI ay awtorisado lamang sa development at operation ng container at passenger terminal fa­cilities, container yard, subs­tation yard at power house facility at hindi ang pagsu-supply ng enerhiya.

Nakasaad din umano sa ECC na ang R-II Builders ay maari lamang gamitin para sa maintenance shop/gas station/equipment depot complex, warehouse storage area, general cargo yard, operations at administrative building, parking area at road way na sumasakop sa sampung ektarya.

Matatandaang nitong May 18, 2011 sa bisa ng isang resolution ay nagkakaisang nilagdaan nina committee chairman Chua, Vice Chairman Marlon Lacson at limang iba pang miyembrong konsehal ang rekomendasyon ng komite na magsagawa ang DENR ng updated monitoring com­pliance report sa ECC ng HCPTI particular ang Clean Air and Water Acts upang masigurong pulido at lehitimo ang Certificate of Analysis sa hangin at tubig na isinumite ng kumpanya sa ginanap na pagdinig.

Hiniling din ng komite sa DENR na tiyakin kung ang imbakan ng mga uling ay saklaw pa ng ECC at hindi maghahatid ng pangamba sa Manila Bay at magdulot ng polusyon sa hangin sa bahagi ng Maynila.

vuukle comment

ADHOC COMMITTE CHAIRMAN

CERTIFICATE OF ANALYSIS

CITY COUN

CLEAN AIR AND WATER ACTS

COUNCILOR JOEL CHUA

ENCOAL CORPORATION

ENVIRONMENTAL CLEARANCE CERTIFICATE

HARBOUR CENTER PORT TERMINAL INC

JET POWER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with