Bawal magsaranggola -- Meralco
MANILA, Philippines - Bawal na ang pagpapalipad ng saranggola malapit sa mga kawad ng kuryente.
Ayon kay Jesus B. Malana, pinuno ng Safety and Environment Management ng Meralco, peligro ang maaring idulot ng pagpapalipad ng saranggola malapit sa poste at kawad ng kuryente, kaya’t ipinagbabawal nila ito.
Paliwanag nito, kapag nasabit ang saranggola ay hinihila ito hanggang madikit sa linya na posibleng maging dahilan nang pagsabog at aksidente na maaring ikamatay ng tao kapag tumama rito ang naputol na kawad.
“Ang iba naman ay sinusungkit ng basang kahoy o inaakyat para makuha ang saranggola at dito nakukuryente ang tao,” paliwanag ni Malana.
Pinayuhan din ni Malana ang publiko na mag-ingat kapag namitas ng mga prutas ng punongkahoy at kapag gumawa sa bahay gaya ng pagkakabit ng antenna ng telebisyon at tiyaking hindi madikit sa linya ng kuryente ang pamitas o tubo ng antenna para maiwasan ang aksidente.
- Latest
- Trending