Housing project posibleng mag-boom

MANILA, Philippines - Nagbigay ng bagong oportunidad ang kabubukas pa lamang na Coastal Road Extension (CAVITEX) para sa libo-libong OFWs na nagnanais magkaroon ng tirahan sa lalawigan ng Cavite sa abot-kayang halaga.

Sa loob lamang ng 20 minuto, mas mabilis na mararating ang Metro Manila mula sa bayan ng Kawit sa pamamagitan ng Cavite coastal road extension.

Ayon kay Nelson Cuizon, Real Estate Brokers Association of the Philippines, Cavite Chapter President, ang 200-hectare Lancaster Estates housing project ay matatagpuan sa makasaysayang bayan ng Imus, General Trias at Kawit na kung saan naroroon ang Cavitex toll plaza. “Ang Cavite ang magiging pangunahing destinasyon ng mga bagong Caviteño na nais magkaroon ng sariling bahay,” sabi ni Cuizon.

Sinabi ni Tess Fidelson, marketing manager ng Twin Realty na dapat samantalahin ng ating mga kababayan na naghahanap ng maayos at murang pabahay ang 40 sq. meter Alice Model na may two (2) storey, 3 Bedroom with toilet and bath at parking space. Ang bawat unit ay nagkakahalaga lamang ng P8,215.73 (20 years). Bukod pa rito, marami ang pwedeng pagpilian depende sa inyong budget.

Para sa karagdagang impormasyon tumawag lamang sa mobile numbers 09178912363; 0949-7136219; at tel nos. (02) 6648323; (046) 5154888 o mag e-mail sa ndcuizon@yahoo.com  at marie_delarama@yahoo.com.  

Show comments