Illegal OFWs sa Kuwait aarestuhin sa Hulyo 1!
MANILA, Philippines - Isang malawakang crackdown o paghuli ang inihanda ng pamahalaang Kuwait laban sa mga foreign workers kabilang ang mga OFWs na overstaying at undocumented sa Hulyo 1.
Bunsod nito, hiniling kahapon ng Migrante Middle East sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na madaliin na ang isinasagawang hakbang ng pamahalaan upang mapauwi ang mga illegal OFWs bago pa sila mahuli ng Kuwati authorities.
Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante ME na kapag natapos na ang Amiri amnesty duration sa Hunyo 30 ay sisimulan na rin ang paghuli ng Kuwati Police sa mga illegal foreigner sa kanilang bansa.
Nananawagan din ang Migrante sa Aquino government at DFA na pag-isipan nila na magpadala ng karagdagang support staff upang tumulong sa Phl post sa Kuwait sa pag-asikaso sa mga requirements o dokumento ng mga OFWs para sa kanilang mass repatriation.
Ayon sa Migrante, may mahigit 200 OFWs na tumakas sa kanilang mga amo at hindi dokumentado na kumuha ng Amiri amnesty.
- Latest
- Trending