MANILA, Philippines - Nakatakdang magbigay ng dagdag na kagamitan sa lokal na pulisya si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri bilang tulong nito sa mga awtoridad sa pagpapanatili ng katahimikan sa buong lungsod.
Sa nakalap na impormasyon, magbibigay ng 12 Vios, 7 Hilux, 15 motorcycle, 10 armalites at 20 baby armalites ang Caloocan City government sa lokal na pulisya upang magamit ng mga ito sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin. Magdaragdag din ang lokal na pamahalaan ng mga barangay tanod sa area ng Bagong Silang na siya namang makakatulong ng pulisya sa pag-iikot sa naturang lugar.
Ayon kay Echiverri, ang pagbibigay ng mga bagong gamit sa pulisya ay bilang bahagi ng tungkulin ng kanyang administrasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa buong lungsod.