^

Bansa

Whistleblower Act aprub na sa House

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Aprubado na ng House Committee on Justice ang panukalang magbibigay proteksyon, benepisyo at reward sa mga taong nagsusumbong at tumetestigo laban sa mga tiwali sa gobyerno.

Sa ginanap na pagdinig ng komite sa pangunguna ni Senior Vice-Chairman Rodolfo Farinas, walang tumutol nang mag-mosyon si Maguindanao Rep. Simeon Datumanong para palusutin na ang consolidated version ng Whistleblower Act.

Sa ilalim ng panukala, ang mga whistleblower ay kailangang pumasa muna sa standards at requirements bago ito matanggap bilang whistleblower.

Sa sandaling makalusot ang whistleblower ay agad itong makakatanggap ng P100,000 hanggang P200,000 habang P50,000-P100,000 naman kapag naihain ang kaso sa korte laban sa opisyal na isinumbong at P50,000 hanggang P100,000 kapag nakumpleto na ang testimonya nito.

Hindi rin maaring makasuhan ang whistleblower dahil sa kanyang testimonya at sa halip ay pwedeng makulong ang sinumang bubuwelta o gagawa ng hakbang laban dito.

Subalit ang whistleblower ay maaring maharap sa kaso sa sandaling magbigay ito ng maling impormasyon, mag-recant o bumawi ng testimonya.

APRUBADO

HOUSE COMMITTEE

LABAN

MAGUINDANAO REP

SENIOR VICE-CHAIRMAN RODOLFO FARINAS

SIMEON DATUMANONG

SUBALIT

WHISTLEBLOWER

WHISTLEBLOWER ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with