MANILA, Philippines - Walang kinalaman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagtungo ni Pinoy boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa kanilang tanggapan para talakayin ang kontrobersiyal na isyu ng Reproductive Health bill.
Ayon kay CBCP Secretary General Msgr. Juanito Figura, hindi nila ginagamit si Pacquiao sa kanilang kampanya laban sa nabanggit na panukalang batas at personal na initiative umano ni Pacquiao ang pagtungo nito sa CBCP main office sa Intramuros, Maynila, kung saan kasalukuyang ginaganap din ang Permanent Council meeting ng mga obispo.
Gayunman, aminado si Figura na malaking tulong sa kanila si Pacquiao upang mas maintindihan ng publiko na ang RH bill ay hindi mabuti
Samantala, sinabi din ni Pacquiao na hindi niya pansin na purple ang kulay ng kanyang necktie na ang kulay ay simbolo ng mga anti-RH bill.
Aniya, ang kanyang misis na si Jinkee ang naghanda ng kanyang susuotin at wala siyang intensiyon na masama.