^

Bansa

Kotong cop sa Ermita hulihin!

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Senior Supt. Alex Gutierrez ang pagmamanman at posibleng pagdakip sa isang ‘kotong cop’ na madalas umanong mambiktima ng motorista sa Ermita, Maynila.

Kasunod ito ng reklamong idinulog ng 47-anyos na si Alfredo Balistar, ng Block 35,  Lot 15 Bautista Property Dasmarinas, Cavite  kahapon ng umaga sa Manila Police District- General Assignment Section, laban sa ‘di nakilalang unipormadong pulis na sapilitang kumuha ng kaniyang pera, matapos siyang sitahin sa bahagi ng Padre Burgos St., sa Ermita, Sabado ng gabi.

Ang ‘di nakilalang pulis ay sakay umano ng kulay itim na scooter at biglang sinita siya sa umano’y traffic violation dakong 11:20 ng gabi noong Mayo 14 at sapilitan umanong kinuha ang kaniyang perang P3,800 bago pinaharurot ang scooter papalayo.

Ayon sa MPD-GAS, maraming reklamo na ang kanilang natanggap laban sa di pa kilalang pulis na iisa umano ang estilo ng pangongotong o ‘hulidap’.

ALEX GUTIERREZ

ALFREDO BALISTAR

AYON

BAUTISTA PROPERTY DASMARINAS

CAVITE

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

PADRE BURGOS ST.

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with