^

Bansa

Plunder case vs DOTC officials, inisnab ni Sec. de Jesus

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inisnab lamang ni Transportation and Communications Secretary Jose “Ping” de Jesus ang naisampang plunder case kina DOTC Undersecretary Aristotle Batuhan at Assistant Secretary Racquel Desiderio ng Road Users Protection Advocates (RUPA) dahil maliwanag umano na ito’y harassment lamang na ang interes ay maapektuhan ang mga repormang ipinatutupad sa DOTC.

“This can be part of the desperate move of some unscrupulous groups who may be directly or indirectly threatened by the reform initiatives that these officials are pursuing within the LTO bureaucracy,” ani de Jesus.

Nagsampa ng plunder case ang RUPA kina Batuhan at Desiderio nang magdesisyon ang mga itong bayaran na ng LTO ang pagkakautang nito sa IT provider nitong Stradcom Corporation na may halagang P662 Milyon.

“Kung hindi natin babayaran ang Stradcom, maaaring putulin nila ang serbisyo sa LTO at kapag nangyari ito, maaapektuhan ang pagseserbisyo natin sa publiko, baka ang carnap na sasakyan ay mairehistro o kaya naman ay ang isang sasakyan ay maaaring mairehistro sa isang LTO office at mairehistro din sa ibang lugar, posible yan pag nawala ang serbisyo ng Stradcom sa LTO,” pahayag naman ni LTO NCR director Teofilo Guadiz na tumatayong spokesman din ng LTO.

ASSISTANT SECRETARY RACQUEL DESIDERIO

BATUHAN

DESIDERIO

LTO

ROAD USERS PROTECTION ADVOCATES

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

TEOFILO GUADIZ

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY JOSE

UNDERSECRETARY ARISTOTLE BATUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with