^

Bansa

Estudyante 'wag sawayin sa kursong nursing

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi umano dapat sawayin ni Health Secretary Enrique Ona ang mga estudyante na nais kumuha ng kursong nur­sing.

Sinabi ni Dr. Geneve Rivera, secretary general ng grupong Health Alliance for Democracy (HEAD), ang pahayag ni Ona na huwag nang kumuha ng nursing dahil sobra-sobra na ang nagtapos ng kurso at walang mapasukan ay pagpapakita lamang umano na hindi kaya ng administrasyong gawan ng solusyon ang problema sa nursing employment.

“conveniently reducing the problem of nursing employment as a matter of shifting academic preferences reveals how myopic the government sees the issue; it is a tactless commentary that exposes the lack of leadership and vision in terms of developing the country’s health human resources,” pahayag ni Rivera.

Matatandaang nagpahayag si Ona sa mga high school graduates sa Baguio City kamakailan na sumubok ng ibang kurso kaysa kumuha pa ng nursing dahil makadaragdag pa sila sa mahigit 200,000 jobless nurses sa bansa.

Hindi umano ang pagpili sa nasabing profession ang problema kundi ang kawalan ng aksiyon ng gobyerno na bigyan ng trabaho ang mga nakatenggang nurses kahit kitang-kita umano ang kakulangan ng nurses sa mga ospital at hindi pagkakaloob ng sapat na sahod.

Naniniwala ang grupo na kung nais lamang mapunuan ng pamahalaan ang pangangailangan sa 60 porsyentong ‘recommended nurse to patient ratio’ ay posibleng magkaroon ng solusyon sa problema ng 20-libong nurse na walang mapasukan.

Malalabag din umano ang Nursing Act of 2002 dahil hindi naman nakatatanggap ng sapat na benepisyo ang government nurses sa bansa.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang umanong 28,000 nurse sa mga public at pribadong ospital sa bansa, kung saan higit sa 40,000 nurse pa ang kailangan.

BAGUIO CITY

DR. GENEVE RIVERA

HEALTH ALLIANCE

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

MALALABAG

MATATANDAANG

NANINIWALA

NURSING ACT

RIVERA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with