^

Bansa

'Doomsday' sa May 21 walang basehan - CBCP

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Walang nakakaalam kung kailan magugunaw ang mundo, kundi ang Diyos Ama lamang.

Ito ang mariing iginiit ng Simbahang Katoliko at itinanggi ang kumakalat na pahayag ng Oakland, California  US-based Evangelical Christian group na ‘judgement day’ o magugunaw at mahahati ang mundo at maraming tao ang mamamatay sa dara­ting na Mayo 21.

Sinabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) media director at spokesman Monsignor Pedro Quitorio na walang basehan ang prediksiyon ng International Family Radio Ministry na ang malalakas na lindol na yayanig sa mundo ang hudyat ng paghuhukom.

“In the Bible, it says nobody knows when is the end of the world, except God the Father,” ani Quitorio bilang sagot sa ipinakakalat ng Family Radio group.

Batay sa naging pahayag ni Tom Evans, ang spokesman ng Family Radio, ibinatay nila ang doomsday date sa Bible at calculations sa petsa na nag-ugat sa “7000 year anniversary of the flood”.

Bukod pa sa ‘project caravan’ o paglilibot ng kasapi ng Family Radio sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila upang ipaalam ang nalalapit na doomsday, marami na ring ‘doomsayers’ ang umano’y nagkamali.

“It cannot be predicted. Definitely there is no truth to it,” aniya pa.

Ani Quitorio, kung ang lindol umano ay hindi nahuhulaan kung kailan tatama sa mundo, mas mahirap hulaan kung kailan magugunaw ang mundo.

“How can they predict the end of the world when no one can even predict an earthquake accurately?” paliwanag pa ni Quitorio.

Payo ni Quitorio sa publiko, huwag bigyang-pansin ang mga nasabing prediksiyon at propesiya at sa halip ay mas pagtibayin pa ang pananampalataya sa Panginoon.

ANI QUITORIO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DIYOS AMA

EVANGELICAL CHRISTIAN

FAMILY RADIO

GOD THE FATHER

IN THE BIBLE

INTERNATIONAL FAMILY RADIO MINISTRY

METRO MANILA

QUITORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with