^

Bansa

P22 Cola kulang pa sa pamasahe

- Ni Malou Escudero -

Manila, Philippines - Balewala rin ang P22 dagdag sa cost of living allowance (COLA) na ibinigay ng regional wage board sa mga empleyado sa Metro Manila dahil kulang pa itong ipantapat sa pamasahe pa lamang.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Manny Villar, chairman ng Senate Comittee on Economic Affairs matapos matuklasan na 9.9 porsiyento ng sinasahod ng isang empleyado ay napupunta lamang sa pamasahe araw-araw.

Ayon kay Villar, mas dapat ay ibinigay na lamang ang P125 legislated wage increase upang maramdaman ng mga manggagawa ang increase sa sahod.

Tumaas na aniya ang pamasahe sa jeep, taxi , bus at tren, kaya kulang pa ang P22 COLA sa mga mangaggawang sumasahod ng minimum.

Matapos aprubahan ng LTFRB ang dagdag pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail transit, magkakaroon rin ng adjustment sa boarding fee ng MRT na magiging P11 at karagdagang P1 kada istasyon.

Sa LRT-1 magiging P30 na ang pasahe mula Baclaran hanggang Roosevelt at sa LRT-3, P25 na ang Recto hanggang Santolan.

AYON

BACLARAN

BALEWALA

ECONOMIC AFFAIRS

LIGHT RAIL

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

SENATE COMITTEE

SENATOR MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with