PNoy best man sa kasal ni Miriam

Manila, Philippines - Hindi pa sigurado kung tinanggap na  ni Pangulong Aquino ang paanyaya ni Senator Miriam Defensor-Santiago na tumayong best man sa ika-40 anibersaryo ng kasal niya sa asawang si Atty. Narciso Santiago Jr.

Maging si deputy presidential spokesperson Abigal Valte ay nagulat sa napaulat kahapon na inimbitahan ni Santiago ang Pangulo na tumayong best man sa kaniyang muling pagpapakasal. Ang  aktress na si Heart Evangelista naman umano ang kukuning bridesmaid ng senadora.

Inihayag naman ng media relations officer ni Santiago na si Tom Tolibas na maging sila ay naghihintay ng kumpirmasyon kung pumayag ang Pangulo na maging best man ng kaniyang boss.

Gaganapin ang renewal of vows ni Santiago at asawa nito sa Manila Cathedral sa Hunyo 19.

Show comments