Pork barrel naipamigay na - Belmonte

Manila, Philippines - Nilinaw kahapon ni House Speaker Feliciano Belmonte­ na naipagkaloob na sa mga kongresista ang unang bahagi ng Priority Development Assistance­ Fund (PDAF).

Sinabi ni Speaker Belmonte, na nasa 131 na mam­babatas na, kabilang na ang mula sa oposisyon, ang nakatanggap na ng PDAF o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Aniya, nasa 90 kongresista, kabilang siya, ang hindi­ na lamang nakakapagsumite ng kanilang request­ para sa PDAF.

Show comments