TG Guingona binatikos ng Datu sa ARMM isyu

Manila, Philippines - Binatikos ng isang Datu sa Maguindanao si Sen. Teofisto ‘TG’ Guingona Jr. dahil sa tahasang pag­yurak nito sa demokrasya taliwas sa ginawang pagmamalasakit ng ama nito sa ipinaglabang demokrasya.

Ito ang ibinulalas kahapon ni Datu Michael Abas Kida ng Maguindanao bilang reaksyon sa pagmama­galing ni Sen. Guingona kay Pangulong Aquino noong Martes na kaya pang ipasa ng Senado ang isang panukalang batas na magpapaliban sa eleksyon sa Autonomous­ Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang pahayag ay ginawa ni Datu Kida matapos manalo sa unang sultada ng kanyang laban sa Supreme Court kontra sa mga nagsusulong ng ARMM poll postponement measure, ang House Bill 4146.

“Senator TG is from Bukidnon yet he dared not tell the President that the overwhelming sentiment of Mindanaoans is for the ARMM election to proceed as scheduled this year. He is a big disappointment to us because he failed to champion the aspirations of Mindanaoans­,” ani Datu Kida.

Sa kanyang petition for mandamus at prayer para isyuhan ng temporary restraining order ang HB 4146, sinabi ni Datu Kida na ang Republic Act 9333 na nais amyendahan ng HB 4146 ay unconstitutional dahil inamyendahan naman nito (RA 9333) ang ARMM Organi­c Law ng walang ginanap na plebisito.

Ang HB 4146 ay ipinasa na ng Kongreso habang ang counterpart measure nito na SB 2756 ay naka-pending pa sa Senate Local Government Committee na pinangungunahan ni Sen. Bongbong Marcos.

Bukod kay Marcos, tinututulan rin nina Senators Miriam Defensor-Santiago, Edgardo Angara, Loren Legarda at Joker Arroyo ang pagpapaliban sa ARMM election.

Show comments