20 M Pinoy nabubuhay sa maruming kapaligiran
MANILA, Philippines - Halos 20 milyong Filipino ang patuloy na nabubuhay sa maruming kapaligiran na dahilan ng malaking antas ng pagkakasakit sa maraming pamayanan sa bansa.
Sa datos ng World Health Organization at United Nations Childrens Fund, hindi kaaya-ayang pamumuhay ng mga Pinoy ang kawalan ng mga palikuran, hindi maayos na pagtatapon ng sariling mga dumi at pagiging salaula sa sariling bahay at mga gamit. Umaabot naman umano sa kalahating milyong Filipino ang patuloy na hindi naghuhugas ng kamay matapos na dumumi.
Sinabi ni Dr. Rodolfo Albornoz, hepe ng DOH’s Environmental Health Office na kailangan maintindihan ng bawa’t pamilya na ang maruming kapaligiran ay hindi lamang banta sa kalusugan kundi sa aspeto rin ng kanilang pamumuhay lalu na’t apektado ang kanilang pagtatrabaho.
Kabilang aniya sa mga pangunahing sakit na nakamamatay na dulot ng maruming kapaligiran ang tuberculosis, diarrhea, dengue at typhoid fever na nakukuha sa mga bacteria, virus at fungi na nagmula naman sa maruming kapaligiran.
- Latest
- Trending