^

Bansa

Pagtakbo ng hubo't hubad ni Mendoza inaabangan na

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Ilang senador na ang nag-aabang kung tototohanin ni Commission on Audit (COA) Commissioner Heide Mendoza ang pagtakbo ng hubo’t hubad sa Quezon Memorial Circle kapag naabswelto si retired AFP Comptroller Carlos Garcia sa kasong plunder.

“Aabangan natin yan, joke lang,” pahayag ng isang senador na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Matatandaan na isa si Senator Miriam Defensor-Santiago sa humanga sa ipinakitang katapangan ni Mendoza sa ginawa nitong pagharap sa hearing ng House of Representatives kung saan inihayag niya ang kaniyang mga nalalaman sa korupsiyon sa militar.

“I love to see Heide Mendoza running naked to Quezon Memorial Circle because she promised to do that once the case against Garcia is dismissed by the Sandiganbayan,” nauna ng sinabi ni Santiago.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto na hindi na dapat totohanin ni Mendoza ang pahayag nito na tatakbo siya ng hubo’t hubad ka­pag napawalang sala si Garcia. “Huwag na. Pangit tingnan,” sabi ni Sotto.

Bago pa man pagbigyan ng Sandiganbayan ang plea bargain ni Garcia, malaki ang paniwala ni Mendoza na sapat ang mga ebidensiya para maparusahan ang dating military comptroller kaya nakipag-pustahan pa umano ito sa isang kaibigan na tatakbo ng hubad sakaling makakawala pa si Garcia.

vuukle comment

COMMISSIONER HEIDE MENDOZA

COMPTROLLER CARLOS GARCIA

GARCIA

HEIDE MENDOZA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MENDOZA

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

SANDIGANBAYAN

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with