MANILA, Philippines - Nagsimula na ang pagpaparehistro para sa Manila Bay Clean-Up Run na gaganapin sa ika-17 ng Hulyo. Maaaring magpalista sa lobby ng Manila Broadcasting Company sa CCP Complex, Pasay ang mga interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae.
Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategorya – P20,000 sa first placer ng 21K run, P10,000 sa 10K winner, P5,000 sa mangunguna sa 5K run at P3,000 para sa 3K winner. Magkakaroon din ng special award para sa pinakamalaking delegasyon na makakapagsali ng hindi kukulangin sa 25 paying entries.
Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company at Land Bank, katuwang ang Smart Communications, Naproxin Sodium, M. Lhuillier at Enervon Multi-Vitamins, sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng Maynila. Itataon din ito sa ika-72 anibersaryo ng DZRH, ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa Pilipinas.
Mula-ika-7 ng Hunyo naman, maaari ring magparehistro sa ROX na nasa Bonifacio High Street sa Global City, Taguig.