Engineering students agawan sa titulo sa Bosch Cordless Race

MANILA, Philippines - Sa halip na magbakasyon o gumawa ng sand castles sa mga beaches, pinili ng mga dedicated students ang manatili sa kanilang mga eskwelahan para dumalo sa isang workshop sa hangaring makabuo ng blueprints at makabuo ng sasakyan.

Walong engineering students mula Luzon, Visayas at Mindanao ang napiling lumahok sa Philippine leg ng Bosch Cordless Race Championships para lumaban at katawanin ang Pilipinas sa final race sa Beijing, China na nakatakda ngayong September ng kasalukuyang taon. 

Matatandaang taong 2010 nang simulan ng Bosch ang Cordless Race Competition sa Shanghai. Mga koponan ng mga estudyante mula sa ibat ibang unibersidad at technical institutions ang inimbitahang magpadala ng entries gayundin ng disenyo para makabuo ng sasak­yang pinapagana ng Bosch cordless Lithium-ion drills and drivers.   

Ang debut event ay naging matagumpay kung saan sa walo mula sa 14 team ang nakwalipika para sa final race na ginanap sa Shanghai Science and Technology Museum. 

Ang Bosch cordless tools ang nagkaloob ng power, performance, battery life at speed sa mga behikulo at muling patutunayan ang tatag nito sa gaganaping championship ngayong taon.

Show comments