MANILA, Philippines - Armado ng warrant of arrest mula sa Quezon City Metropolitan Trial Court branch 42, nabuslo ng mga elemento ng QC police ang pekeng Stradcom lawyer na si Atty. Jer B. Samson, abogado ng isang Bonifacio Sumbilla dahil sa umano’y pamemeke ng dokumento.
Si Samson ay pinadakip ng QC court ng mapatunayang may probable cause upang makasuhan sa salang pagpapakilala na siya ay isang corporate secretary ng Stradcom Corp., ex clusive IT provider ng Land Transportation Office, gamit ang pekeng 2010 General Information Sheet (GIS) ng Stradcom nang mag-file sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Disyembre 2010.
Ang pekeng dokumento ang ginamit umano ng grupo ni Sumbilla noong nakaraang taon upang puwersahang i-take over ang naturang kumpanya dahilan para masugatan ang maraming empleyado ng Stradcom at mahinto ang operasyon ng LTO.
Binigyang diin ni Margaux Salcedo, spokesman ng Stradcom na bunga ng pangyayaring ito ay masasabing close book na ang pag-aangkin ng grupo ni Sumbilla at Aderico Yujuico na sila ang legitimate owners ng Stradcom.