Bagong testigo sa Vizconde, lumutang
MANILA, Philippines - May bagong testigong hawak ang Department of Justice sa Vizconde massacre na posibleng magturo sa mga bagong suspek sa pagpatay sa mag-iinang Estrellita, Carmela at Jennifer Vizconde.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang witness na nakatakdang isailalim sa polygraph test ay nagbigay na kahapon ng statement sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ang testigong ito, na sinasabing pangalawang breakthrough sa re-investigation sa Vizconde, ay sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) umano lumapit.
Sinabi ni de Lima na tatlo sa suspek na posibleng masampahan ng kaso ay nasa ibang bansa, ngunit mayroon ding nandito pa sa Pilipinas.
Tumanggi si de Lima na ihayag ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil kailangan pang i-validate mabuti at tiyakin bago ibunyag sa publiko.
- Latest
- Trending