Mid-year bonus ng PNP ibibigay na
MANILA, Philippines - Maagang matatanggap ng 138,000 puwersa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mid-year bonus.
Ayon kay PNP Director for Comptrollership P/Director Rey Lañada, nakikipagpulong na sila sa Budget Department alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo si Lañada na madaliin ang pagproproseso ng mga kinakailangang dokumento na kanilang isusumite sa DBM upang hindi maantala ang inaasahang bonus ng mga pulis lalo pa at enrolment na ng mga anak ng mga pulis.
Sinabi ni Lañada na ang mid-year bonus ng mga pulis ay kumakatawan sa 50 % ng mandatory 13th month pay at iba pang cash benefits ng mga ito na binabayaran sa pamamagitan ng tseke sa account ng PNP sa Land Bank of the Philippines.
Ang kalahati ng nasabing bonus na kumakatawan sa 13th month pay ay tuwing Disyembre.
Ang ikatlong yugto ng taas ng suweldo ng PNP ay sa Hunyo 1, 2011.
- Latest
- Trending