^

Bansa

Naipit na 12 OFW's sa Syria nagpapasagip sa government

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - May 12 Overseas Fi­lipino Workers na naiipit sa matinding kaguluhan sa Syria ang humihingi ng tulong sa pamahalaan na makauwi na sa bansa.

Sa report ng Migrante-Middle East, kinilala ang mga Pinoy na sina Aisa Kabunto Mantok, Jenifer Bayla, Shally Mar Cruz, Elizabeth Golong, Merjulyn Borbon, Analiza Muana, Jennygil Y. Canaguan, Anisa Salibat Tibanu, Juvilyn Pasuquin, Maisa Posda Guiampaka, Hannie Shayne Kasim at Maricel Canares. Sila ay karamihang taga-Mindanao at nakabase ngayon sa Takia, Syria.

Ayon kay John Leo­nard Monterona, regio­nal coordinator ng Mi­grante-ME, ang mga OFWs na nabanggit ay nagpadala ng e-mail sa kanya at isa sa mga ito ang kanyang nakausap at humihingi ng tulong.

Nauna rito, inilagay ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) sa alert level 2 ang alarma para sa may 17,000 Pinoy sa Syria noong Mayo 1. Dito nagbigay nang babala ang Embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy na boluntar­yong lisanin ang Syria at limitahan ang pagtungo sa mga matataong lugar at maging mapagbantay. 

Sa tala ng DFA, ang Latakia na may 2,400 OFWs kabilang ang na­sabing 12 OFWs  ay isa sa mga kritikal na lugar bunga ng patuloy na sa­gupaan sa pagitan ng anti-government protes­ters at Syrian government security forces. Mula sa nasabing bilang may 110 Pinoy ang nasa Dara at 1,600 sa Homs.

Sumulat na si Monterona kay Ambassador Wilfredo Cuyugan ng Embahada sa Syria upang mabigyan ng aga­ rang assistance ang 12 OFWs sa Latakia.

AISA KABUNTO MANTOK

AMBASSADOR WILFREDO CUYUGAN

ANALIZA MUANA

ANISA SALIBAT TIBANU

DEPARTMENT OF FO

ELIZABETH GOLONG

EMBAHADA

HANNIE SHAYNE KASIM

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with