PNoy: Hindi ako naglalaro ng PSP

MANILA, Philippines - Iginiit ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya kailanman naglaro ng PSP taliwas sa mga tsismis na ito ang kanyang pinagkakaabalahan kapag wala siyang ginagawa.

“I never played PSP,” wika pa ni Pangulong Aquino sa isang tv interview.

Wika pa ng Pangulo, wala siyang pinagsisisihan matapos siyang maging chief executive matapos manalo noong May 2010 presidential elections.

Aniya, nakasanayan na rin niya kasi ang kawalan ng freedom dahil sa pagiging pinuno ng bansa.

Idinagdag pa ni PNoy, ang kanyang tanging libangan kapag mayroon siyang pagkakataon ay biking, bilyar at target shooting hindi daw ang pag­lalaro ng PSP.

Show comments