^

Bansa

Gibo, Morales lumutang na kapalit ni OMG

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dalawang pangalan ang lumulutang ang sinasabing papalit kay Ombudsman Merceditas Gutierrez at ito ay sina Associate Supreme Court Justice Conchita Carpio Morales at si dating Defense Secretary Gilbert “Gibo’ Teodoro na pawang hindi matatawaran ang integridad.

Nagtalaga muna si Pangulong Benigno Aquino III ng officer in charge sa Ombudsman matapos magbitiw si Ombudsman Merceditas Gutierrez noon epektibo ngayong Mayo 6.

Gayunman, ayon sa source, walang balak si Teo­doro na tanggapin ang puwesto bilang Ombudsman kung sakaling i-alok ito sa kanya ng kanyang pinsan na si PNoy.

Idinagdag pa ng impormante, hindi na rin tatanggap ng anuman puwesto sa gobyerno si Teodoro dahil mas gusto niya ang ‘private life.’

Samantala, si Morales, wika pa ng source, ay isa sa pinakamalakas na contender para pumalit na Ombudsman.

Ito ay magreretiro bilang Supreme Court Asso­ciate Justice sa mismong araw ng kanyang ka­arawan sa June 19. Kay Morales nanumpa si Aquino nang manalong Pangulo sa halip kay Chief Justice Renato Corona.

Iginiit naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bukod sa 1 year ban sa mga kumandidato sa nakaraang 2010 elections ay hindi din puwedeng italaga ni Aquino si Gibo dahil sa kamag-anak niya ito.

vuukle comment

AQUINO

ASSOCIATE SUPREME COURT JUSTICE CONCHITA CARPIO MORALES

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEFENSE SECRETARY GILBERT

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

GIBO

KAY MORALES

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SUPREME COURT ASSO

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with