Miriam puwede sa Ombudsman

MANILA, Philippines - Puwedeng-puwede at kuwalipikado na maging kasunod na Ombudsman si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Juan Miguel Zu­biri kaugnay sa ginagawang paghahanap ni Pangulong Aquino ng bagong Ombudsman.

Ayon kay Zubiri, kilala si Santiago na isang maga­ling na abogado na naging huwes pa at kilala rin na lu­malaban sa katiwalian kaya susuportahan niya ito kung may magbibigay ng nominasyon.

Puwede rin umano si Justice Secretary Leila de Lima na napaulat ng tu­mangging maupo kapalit ng nag-resign na si  Ombuds­man Merceditas Gutierrez.

Ayon pa kay Zubiri, da­pat ay walang koneksiyon sa Malacañang ang bagong Ombudsman upang magampanan talaga nito ang trabaho bilang tanodbayan.

Una rito, sinabi ni de Lima na hindi siya umaasa at interesado na maging Ombudsman  o susunod na Supreme Court justice.

Binuksan na ng JBC ang applications at nominations para sa binakanteng posisyon nina SC Associate Justices Eduardo Nachura  sa Hunyo at Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.

Show comments