Hindi ako tax evader - Purisima
MANILA, Philippines - Tahasang kinondena kahapon ni Finance Secretary Cesar Purisima ang aniya’y hantarang paninira sa kanya ng mga nagsasabing isa siyang tax evader.
Tugon ito ni Purisima sa pahayag ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na nagpapabasura sa Commission on Appointments sa nombramyento ni Purisima dahil sa kaduda-dudang statement of assets and liabilities and networth.
Ayon kay Purisima, ang kasinungalingang ibinabato sa kanya ay ipinakakalat pa sa pamamagitan ng SMS para palitawing isa siyang tax evader. “This is farthest from the truth. I have filed and paid my taxes religiously” aniya sa ipinadalang text message sa PSN.
Aniya, sa hearing ng CA, tinanong lang siya tungkol sa pagkakaiba sa kanyang net assets at sa idineklara niyang gross income sa kanyang income tax return. Aniya, ito ay dahil sa passive income at interes na dumagdag sa kanyang investment.
“This is exactly the reason why BIR issued RR 2-2011 to avoid this confusions but unfortunately many complained so we suspended its implementation,” dagdag ni Purisima.
- Latest
- Trending