1st Paynauen Fest sa Iba, Zambales
IBA, Zambales , Philippines - Tiniyak ni Iba, Zambales Mayor Ad Hebert P. Deloso ang mas malaking Paynauen Festival sa susunod na 2012.
Ito ang inihayag ni Mayor Deloso matapos maging matagumpay ang isang linggong selebrasyon ng ika-400 taon ng bayan na nagtapos noong linggo ng gabi.
Ayon kay Deloso, ang Paynauen ay unang pangalan ng Kapitolyo ng Zambales na naitatag noong 1611 sa bisa ng resolusyon na inaprobahan ng Pamahalaang Bayan ng Iba kung saan ay makikita ang mayamang kultura, sining at agrikultura at mayamang industriya ng turismo.
Sa temang “Iba Ngayon...Kapit-bisig sa Pag-unlad,” ang 7-araw ng pagdiriwang ay nagsimula sa motorcade at civic parade Lakbayan, Lakad ng Bayan para sa kaunlaran kasabay ng air show at confetti shower.
Naihanay din ang karera ng takbong paatras, Laro ng Lahi at Kasalang Bayan, Paynauen Singing Star Grand Finals, kasabay ang Baile, Baile (Balikbayan, Barangay, Senior Night) at iba’t ibang paligsahan.
“Tagumpay ang Paynauen Festival 2011 dahil tinatayang 50% porsyento ang itinaas ng bilang ng turista ngayon kung kaya lahat ng hotel at resort ay napuno na,” dagdag pa ni Mayor Deloso.
- Latest
- Trending