^

Bansa

2 utas, 22 sugatan sa road mishap

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang 22 iba pa  ang sugatan makaraang sumalpok sa barandilya sa tabi ng highway ang pampasaherong bus sa bayan ng Roseller T. Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Zamboanga Sibugay Police Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Ruben Ca­riaga; pawang dead-on-the-spot sina Alex Kamsa ng Parang Maguindanao at Romeo Mariano ng Impasug-ong, Bukidnon.

Magkakahiwalay na isinugod ng nagrespondeng mga elemento ng pulisya ang mga sugatang biktima sa Provincial Hospital, Simon Hospital at De Villa Hospital na pawang nasa bayan ng Ipil.

Base sa imbestigas­yon, dakong alas-7 ng gabi noong Mayo 1 habang bumabagtas sa national highway sa Brgy. Silingan, Roseller T. Lim ang Rural Transit of Mindanao Inc. ni Vergil Reyes nang maitala ang sakuna.

Nabatid na masyadong mabilis ang takbo ng bus na nagmula sa ba­yan ng Ipil at patungong Zamboanga City nang biglang tumawid ang motorsiklo na tinangkang iwasan ni Reyes.

Bunga nito, nawalan ng kontrol sa manibela si Reyes hanggang sa magtuluy-tuloy na sumalpok ang bus sa barandilya ng highway kung saan bumaliktad.

vuukle comment

ALEX KAMSA

DE VILLA HOSPITAL

PARANG MAGUINDANAO

PROVINCIAL HOSPITAL

REYES

ROMEO MARIANO

ROSELLER T

RUBEN CA

RURAL TRANSIT OF MINDANAO INC

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with