^

Bansa

Reporter hinoldap na, ginulpi pa

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Doble kamalasan ang sinapit ng isang reporter ng lokal na pahayagan matapos na holdapin ay pinagtulu­ngang gulpihin ng dalawang lalaki na lulan ng motorcycle sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Adrian Nemes III, reporter ng Visayan Daily Star na halos hindi maka­gulapay ang katawan sa tinamong mga sugat.

Sa ulat na ipinara­ting kahapon ng Bacolod City Police sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Su­mag Village dakong ala-1:45 ng madaling-araw.

Pauwi na si Nemes sa Friendsville Subdivision nang mapansin nito na sinusundan siya ng mga suspek.

Nang maramdaman ang panganib ay tinangkang iwasan ni Nemes ang mga suspek pero agad siyang dinaluhong, kinuyog at pinagtulu­ngang gulpihin kung saan agad siyang tinutukan ng patalim matapos magdeklara ng holdap.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang pana­nakit sa biktima saka nagsitakas tangay ang pitaka ng reporter na nag­lalaman ng P2,700 cash, cellphone, ATM card.

Nagsasagawa na ng followup operations ang mga Bacolod City Police upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

ADRIAN NEMES

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY POLICE

CAMP CRAME

FRIENDSVILLE SUBDIVISION

KINILALA

NEGROS OCCIDENTAL

NEMES

SHY

VISAYAN DAILY STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with