^

Bansa

'Iligtas sa Tigdas ang Pinas', pinalawig ng DOH

-

Manila, Philippines - Palalawigin ng dala­wa hanggang apat na linggo ang libreng ‘door-to-door’ na pagbabakuna sa mga ba­tang may edad siyam na buwang gulang hanggang walong taon.

Sinabi ni Health Se­cretary Enrique Ona na imbes na magtapos ngayong Mayo 4 ang kampanyang “Iligtas sa Tigdas ang Pinas” , ay pinalawig pa ito para makumpleto ang target na mabakunahan ang 18 milyong paslit.

Aniya, marami pa kasing mga lugar sa bansa ang hindi napupuntahan ng kanilang mga health workers partikular na sa malalayo at mga liblib na lugar.

Wala pang ulat kung gaano na karami ang nabakunahan sa ilalim ng programa dahil kailangan pang makumpleto ito.

Sa pinakahuling report, sa 2,075 katao na tinamaan ng tigdas sa buong bansa mula Ene­ro hanggang Marso 19, ng taong kasalukuyan, may 5 bata na ang nasawi.

vuukle comment

ANIYA

ENRIQUE ONA

HEALTH SE

ILIGTAS

MARSO

PALALAWIGIN

SINABI

TIGDAS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with