^

Bansa

Pinay nasagip sa drug ring sa Brazil

- Gemma Amargo-Garcia -

Manila, Philippines - Nasagip ng isang kongresista at Department of Foreign Affairs (DFA) sa kamay ng sindikato ng droga sa bansang Brazil ang isang Pilipinang dating prep-school teacher.

Iniharap ni Cagayan de Oro 1st district Rep. Benjo Benaldo sa mga mamahayag ang biktimang si Edna Waga na residente din ng naturang lalawigan.

Sa pahayag ni Be­nal­do na aksidente niyang nasagip ang biktima habang nasa pangangalaga  ng embahada sa Sao Paulo, Brazil matapos na umano’y makatakas mula sa hotel na kinala­lagyan nito sa Thailand.

Ayon kay Benaldo, nakita nito si Waga na umiiyak at humihingi ng tulong na makauwi ng bansa sa takot na mabawi ng mga miyem­bro ng drug syndicate na pinaghihinalaang miyembro ng West African group.

Sa salaysay pa ni Waga, ikalawang linggo ng buwan ng Marso ng kasalukuyang taon nang imbitahan umano ito ng isang kaibigan na dati ring teacher na magtungo sa bansang Thailand upang magbakasyon at nang makarating sa naturang bansa ay narinig umano nito na may kausap ang kaibigan bago nagpasyang magtungo ang mga ito sa Brazil.

Dito na umano sila nanatili sa isang hotel at matapos ang ilang araw ay bigla na lamang umano itong iniwanan ng kaibigan na nagsabing may darating na tao sa nasabing hotel at may ipapadalang bagahe patungo sa China.

Subalit nanaig umano ang takot ni Waga kaya nagdesisyong umalis ng nasabing hotel at humingi ng tulong sa pulis na nagdala dito sa embahada ng Pilipinas sa Brazil.

Samantala, inihayag ni Benaldo na may 55 iba pang Filipino ang nakakulong sa piitan sa nasabing bansa na pawang may kaugnayan sa illegal na droga at patuloy na naghihintay ng parusa.

AYON

BENALDO

BENJO BENALDO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DITO

EDNA WAGA

INIHARAP

SAO PAULO

WAGA

WEST AFRICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with