MANILA, Philippines - Hinikayat ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang mga walang trabaho na samantalahin ang jobs fair ngayon kasabay ng Labor Day celebration.
Ayon kay Baldoz, halos 200,000 trabaho mula sa 2,000 employers ang iaalok at maaring madagdagan pa dahil marami pa ang nagpaparehistro on-line.
Magsisimula ang mga jobs fair sa buong bansa bandang alas-8 ng umaga at matatapos sa alas-5 ng hapon na isasagawa sa Rizal Park. Magtatayo din sila ng mga booth para sa SSS at NBI requirements para mapabilis ang proseso.
Sinabi ni Baldoz na tiniyak niyang accessible ang mga lugar dahil layunin nilang ilapit ang mga jobs fair sa mga tao.
Kabilang sa mga lugar na pagsasagawaan ng job fair ay ang SM Baguio at sa Baguio Convention Center. Sa Region I, sa SM Rosales sa Pangasinan; Region II, Francisco Dy Coliseum; Region III, SM San Fernando at SM Baliuag; Region IV-A, SM Sta. Rosa, Laguna at SM Rosario, Cavite; Region IV-B, Divine Word College, Calapan City; Region V, SM Naga City; Region VI, SM Iloilo at SM Bacolod; Region VIII, SM Cebu, Cebu International Convention Center; Avellana Sports Complex na pawang sa Cebu City, meron din sa (Masiyas) Sports Complex sa Dumaguete City; Region VIII, Tacloban City Convention Center; Region IX, Western Mindanao State University Gym at Pagadian; Region X, SM Cagayan de Oro; Region XI, SM Davao at Gaisano Mall; Region XII, KCC Mall, Plaza Pavilion sa Kidapawan, at South Seas Mall, Cotabato City; at CARAGA DOLE Regional office.