NPA nasangkot sa 62 kasong kriminal
MANILA, Philippines - Nasangkot ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa 62 insidente ng mga kasong kriminal sa anim na lalawigan sa CARAGA Region at kanugnog lugar mula Enero hanggang Abril 2011.
Ayon kay Army’s 4th Infantry Division (ID) spokesman Major Eugenio Julio Osias IV, naitala ang nasabing mga kaso sa CARAGA Region na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur habang sa kanugnog namang lugar ay mula naman sa probinsya ng Bukidnon at Misamis Oriental.
Kabilang sa mga kasong kriminal ang extortion, ambush, panununog ng mga farm products at ari-arian, pamamaslang sa security forces ng pamahalaan at maging sa mga lokal na opisyal.
Ang mga naging biktima ng NPA rebels ay maliliit na mining company, mga kontraktor ng medium at large-sized enterprises, mga magsasaka at maging mga ordinaryong residente.
Naitala naman sa 8 kaso ng panununog ang kinasangkutan ng NPA kabilang dito ang mga trucks, backhoe at iba pang heavy equipment at mga produktong pang-agrikultura kung saan anim sa insidente ay naganap sa Bukidnon.
- Latest
- Trending