Manila, Philippines - Isinulong ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang panukalang batas na naglalayong kanselahin ang cityhood status ng 16 hindi kuwalipikadong munisipalidad na naging sentro ng pagkuwestiyon sa Supreme Court.
Sa House Bill 4553, sinabi ni Tiangco na lahat ng 16 municipalities ay nabigong maka-comply sa income requirement na nakasaad sa ilalim ng RA 9009. Sa kasalukuyan, ang income requirement ay nasa P100 million.
Tinawag ni Tiangco na “dangerous example” ang pag-exempt sa 16 municipalities mula sa legal requirement.
“For too long this issue has been the cause of division and indecision among the various sectors of the government. It would be better if we strictly follow the rule of law, in this case RA 9009 and re-establish the 16 as municipalities,” sabi ni Cong. Tiangco.
Binanggit sa HB 4553 ang 16 Cityhood Laws: Republic Act 9389 (Baybay City in Leyte), 9390 (Bogo City in Cebu), 9391 (Catbalogan City in Samar), 9392 (Tandag City in Surigao del Sur), 9393 (Lamitan City in Basilan), 9394 (Borongan City in Samar), 9398 (Tayabas City in Quezon), 9404 (Tabuk City in Kalinga), 9405 (Bayugan City in Agusan del Sur), 9407 (Batac City in Ilocos Norte), 9408 (Mati City in Davao Oriental), 9409 (Guihulngan City in Negros Oriental), 9434 (Cabadbaran City in Agusan del Norte), 9435 (El Salvador City in Misamis Oriental), 9436 (Carcar City in Cebu), and 9491 (Naga City in Cebu)
Ang Navotas na distrito ni Rep. Tiangco, ang huling munisipalidad na matagumpay na nakatugon sa lahat ng requirements kaya wala anyang dahilan para ma-exempt ang 16 municipalities.