^

Bansa

La Salle 'bomber' kasuhan! - DOJ

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Pinakakasuhan ng De­partment of Justice (DOJ) sa korte ng multiple frustrated, multiple attempted murder at illegal possession of explosive ang 2010 Bar exam blast suspect at APO fraternity member na si Anthony Leal Nepomuceno.

Base sa 27-pahinang resolusyon na nilagdaan nina prosecuting lawyer Gerard Gaerlan at Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, kinakitaan ng pro­bable cause ang reklamo ng mga complainant.

Magugunitang nangyari ang insidente sa ha­­ rapan ng De La Salle University sa Taft Ave., Ma­nila noong Setyembre 26, 2010. Sa tala ng pulisya, mahigit 20 ang nasugatan dito.

Ayon sa DOJ, mahina ang naging alibi ni Nepomuceno nang sabihin nito na wala siya sa paligid o lugar ng La Salle nang mangyari ang pagsa­bog. Taliwas umano ito sa testimonya ng ilang mga saksi na nakakita mismo sa kanya.

Hindi rin umano sapat ang pagsusumite ng photocopy ng resibo ng automated teller machine ng Metrobank-Baranka, Marikina Branch upang palabasin na wala siya sa crime scene.

Nabigo rin umano si Nepomuceno na kanya ang naturang bank account kung saan nakasaad sa resibo ang petsa at oras ng transaction na September 26, 2010 19:49:29 o 7:49 p.m. samantalang ang pagsabog ay nangyari dakong alas 5:10 p.m.

“Considering that the scene of the crime is at Taft Avenue, Manila, which is more or less 20 kilometers away from Baranka, Marikina, then, it is not physically impossible for the respondent to be at the scene of the crime when the crime was committed, because his alibi of being in Marikina City happened only two hours after the crime was committed,” nakasaad sa re­solusyon ng  DOJ.

Ibinasura din ng DOJ ang affidavits ng mga si­nasabing witness ni Ne­pomu­ceno dahil ang mga paha­yag ay para lamang sa pagpabor sa  respondent.

Sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code, maituturing na murder ang isang kaso kung may pagtatangka gamit ang isang pampasabog.

Anang DOJ sa kaso ni Nepomuceno, ang pag-atake ay mabilisan at hindi inaasahan habang gamit ang MK2 fragmentation hand grenade na inihagis ng akusado sa mga biktima kaugnay ng traditional “salubong” sa mga examinees.

Dahil dito, ang mga kasong isasampa ng mga complainants na sina Joanna Katrina Ledda at Ma. Antonia Raissa Dawn Laurel ay multiple murder dahil muntik nang mamatay ang mga ito.

Multiple attempted mur­­der naman ang ihahain ng iba pa dahil hindi naman maituturing na fatal ang nangyari sa kanila.

ANTHONY LEAL NEPOMUCENO

ANTONIA RAISSA DAWN LAUREL

DE LA SALLE UNIVERSITY

GERARD GAERLAN

JOANNA KATRINA LEDDA

LA SALLE

NEPOMUCENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with