MANILA, Philippines - Dahil na rin sa pangamba ng mabilis na pagkalat o pagkahawa ng sakit na bulutong, ipinagbabawal pansamantala ng Department of Health (DoH) sa publiko ang pakikipag-beso-beso .
Ayon kay Dr. Eric Tayag ng National Epidemiology Center, kapag nakipagbeso-beso sa isang taong nagkaroon ng bulutong ay malaki ang porsiyento na magkaroon din ng nasabing sakit.
Maaaring magkaroon ng nasabing sakit ang isang taong nagbeso sa may sintomas na ng bulutong ng hanggang sa 10 araw makaraan ang kanilang physical contact.
Maging ang pakikipag-kamay ay isa ring paraan upang kumalat ang naturang skin problem na bunga umano ng mainit na panahon.