^

Bansa

Puspusang pagsasanay ng government sa disaster preparedness - Ochoa

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Puspusang pagsasanay sa disaster preparedness para matiyak na lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan ay makatutugon nang angkop sa mga kalamidad na bunga ng kalikasan at kalagayang pangkagipitan, sabi ni Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. 

Binigyang diin ni Ochoa ang halaga ng pakikiisa ng sambayanan sa paghahanda sa mga kalamidad sa idinaos na seminar ng Tanggapan ng Pangulo noong isang linggo at idinagdag na ang 9.0 lindol na yumanig sa Hapon noong Marso ay dapat maging aral sa lahat ng bansang malimit lindulin, kasama na ang Pilipinas. 

“Ang ibig sabihin nito, dapat tayong maging laging handa. Alam kong sa yaman at teknolohiya ay iwang-iwan tayo ng Hapon, nguni’t dapat din tayong gumawa ng kaukulang hakbang at maging handa lagi,” sabi pa ni Ochoa sa mga tauhan ng Palasyo sa Demonstration Training on Natural Disaster Preparedness and Response System na ginanap sa Mabini Hall. 

Nanawagan si Ochoa sa mahigpit at lubos na pagpapatupad sa lahat ng kaukulang pag-iingat at tuntunin sa kaligtasan sa mga gusali ng tanggapan ng pamahalaan upang maligtas ang buhay at iwasan ang hindi inaasa­hang mga pangyayari. 

“Napakaikli ang panahon para sa sinuman sa atin sa paggawa ng kaukulang hakbang sa harap ng kalamidad o ano mang trahedyang likha ng Kalikasan o ng tao,” sabi pa ni Ochoa. ”Dahil dito, dapat nating tandaang maging laging handa. Ang pagiging handa sa ano mang kalamidad o kagipitan ay dapat maging ugali na nating lahat.” 

Sa pagsasanay na ginawa ng mga pinuno at tauhan ng Palasyo ay naging panauhing tagapag-salita ang mga dalubhasa buhat sa Philippine Coast Guard, Barangay Voyage and Mt. Everest Expedition Team, Rajah Sulayman Fire Rescue Team, City Watch Bright Center, Tao Emergency Operation Center, UNTV Rescue at Reserve Unit Foundation. 

Nanawagan din siya sa pribadong sektor na makiisa sa disaster preparedness program ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o (NDRRMC).

CITY WATCH BRIGHT CENTER

DEMONSTRATION TRAINING

HAPON

KALIHIM TAGAPAGPAGANAP PAQUITO N

MABINI HALL

MT. EVEREST EXPEDITION TEAM

NANAWAGAN

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

OCHOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with