Manila Bay naging 'Boracay ng Maralita'

MANILA, Philippines - Bunsod sa ulat na dinagsa ng mga taga-lungsod ang Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Boulevard kung saan nagmistula itong   ‘Boracay ng Maralita’ upang mag-swimming noong Sabado at Ling­go, hinimok ni Acting Manila Mayor Isko Moreno ang mga magulang na huwag isugal ang kaligtasan ng kanilang mga anak dahil delikado sa kalusugan ang maru­ming tubig nito.

Sa halip aniya, na pa­yagan ang kanilang mga anak na lumangoy sa Manila Bay, dalhin na lamang sila sa sports complex na may libreng swimming pool tulad ng Dapitan Sport Complex.

Irerekomenda niya rin umano sa mga konsehal ang pagsusulong ng batas para maipakulong ang lumalabag sa matagal nang umiiral na ban sa paliligo sa Manila Bay.

Kabilang sa pollutants na matatagpuan sa tubig ng Manila Bay ang mga basura ng mga dumaraang barko at regular na pagtatapon umano ng dumi ng malalaking pipe sa Ermita, Maynila.

Show comments