MANILA, Philippines - Magdaraos ng kauna-unahang public hearing ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board para sa wage hike sa Metro Manila ngayong taon.
Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang gaganaping public hearing sa Mayo 2, ay may layuning matalakay ng mabuti ng bawat panig ang mga isyu para maresolba kung dapat pagbigyan ang petisyon sa pagtataas ng sahod.
“The public hearing aims to gather inputs from labor, management, and other interested parties on pertinent issues relevant to the wage petition,”anang kalihim.
May karapatang magprisinta ang concerned parties ng kanilang mga posisyon sa wage board bago o sa nasabing petsa ng pagdinig.
Hinikayat naman ng kalihim ang mga labor sectors, employers, at iba pang concerned sectors sa Metro Manila na dumalo sa nasabing public hearing at iprisinta ang kanilang mga posisyon sa wage increase.
Matatandaang hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na humihiling ng P75 wage increase para sa mga minimum wage earners sa Kamaynilaan.
Una nang idineklara ng National Wages and Productivity Commission na may “supervening condition” upang talakayin ang umento kahit na wala pang isang taon mula ng magpatupad ng wage hike.