^

Bansa

Public hearing sa wage increase sa May 2 - DOLE

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Magdaraos ng kauna-unahang public hearing ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board para sa wage hike sa Metro Manila ngayong taon.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang gaganaping public hearing sa Mayo 2, ay may layu­ning matalakay ng mabuti ng bawat panig ang mga isyu para maresolba kung dapat pagbigyan ang petisyon sa pagtataas ng sahod.

“The public hearing aims to gather inputs from labor, management, and other interested parties on pertinent issues relevant to the wage petition,”anang kalihim.

May karapatang magprisinta ang concerned parties ng kanilang mga posisyon sa wage board bago o sa nasabing petsa ng pagdinig. 

Hinikayat naman ng kalihim ang mga labor sectors, employers, at iba pang concerned sectors sa Metro Manila na dumalo sa nasabing public hearing at iprisinta ang kanilang mga posisyon sa wage increase.

Matatandaang hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na humihiling ng P75 wage increase para sa mga minimum wage earners sa Kamaynilaan.

Una nang idineklara ng National Wages and Productivity Commission na may “supervening condition” upang talakayin ang umento kahit na wala pang isang taon mula ng magpatupad ng wage hike.

HINIKAYAT

KAMAYNILAAN

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

MAGDARAOS

MATATANDAANG

METRO MANILA

NATIONAL WAGES AND PRODUCTIVITY COMMISSION

REGIONAL TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTIVITY BOARD

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

WAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with